Next-generation self-lacing basketball shoes, ilalabas sa merkado ng Nike sa susunod na buwan

Photo: Nike

Inanunsyo ng Nike ang paglalabas ng next-generation self-lacing na basketball shoes nito.

Ang Adapt BB shoes ng Nike ay automatic na nagluluwag at naghihigpit ng sintas nito at nag-aadapt base sa aktibidad ng may suot.

Maari ding kontrolin ang sapatos gamit ang smartphone app.

Sa February 17 nakatakdang ilabas sa merkado ang sapatos na ang halaga ay $350 sa Amerika o katumbas ng P18,000.

Gamit ang custom motor at gear train ang sapatos ay automatic na mag-aadjust sa paa ng may suot nito.

Maliban sa basketball, plano rin ng Nike na maglabas ng ganitong sapatos para sa ibang sports.

Read more...