PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Jan. 16

Mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Taguig City at Sta. Rosa City, Laguna.

Sa abiso ng Meralco, sa pagitan ng alas 8:00 ng umaga hanggang ala 1:00 ng hapon ang power interruption sa Bagong Tanyag sa Taguig City.

Magpapalit kasi ang Meralco ng mga nabubulok nang poste sa Purok 14 sa South Daang Hari sa nasabing barangay.

Samantala, sa Sta. Rosa City naman, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Brgy. Malitlit.

Sinabi ng Meralco na mag-aayos sila ng pasilidad sa Malitlit Road sa naturang barangay.

Read more...