Lalaking tumakas sa checkpoint arestado sa QC

Naaresto ang isang lalaki na tumakas sa isang checkpoint sa Road 20, Quezon City.

Ayon sa mga otoridad, sa kasagsagan ng pagtakas nabangga pa ng 33 anyos na suspek ang kasalubong niyang tricycle.

Nang siya ay kapkapan, nakuhanan ito ng mga pakete ng hinihinalang shabu.

Sinabi ng suspek na natakot siya sa checkpoint dahil wala siyang dalang lisensya.

Itinanggi naman nitong sa kaniyang ang shabu na nakuha ng mga otoridad.

Read more...