Patay sa pag-atake sa Nairobi, Kenya umabot na sa 11

Umabot na sa 11 ang nasawi sa naganap na pag-atake ng mga armadong lalaki sa isang gusali sa Nairobi, Kenya.

Ayon sa Ministry of Interior and Coordination of National Office, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.

Itinuturing na ring isang terror attack ang nangyari.

Pinasok ng mga Somali Islamist militant group na Al-Shabaab ang isang five-star hotel at saka pinasabugan ang mga sasakyan doon at nagpaputok ng baril.

Read more...