Stop-and-go traffic scheme ipatutupad ng MMDA sa mga lugar na daraanan ng convoy ng Sri Lankan President

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na magpapatupad ito ng stop-and-go traffic scheme sa mga lugar na daraanan ng convoy ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena.

Ayon kay MMDA Edsa Traffic Head Bong Nebrija, nagtalaga sila ng 250 na MMDA personnel para matiyak ang maayos na daloy ng traffic sa kasagsagan ng pagbisita sa bansa ng presidente.

Dumating si Sirisena sa bansa kagabi at tatagal ang pagbisita nito hanggang sa January 19 araw ng Sabado.

Kabilang sa mga kalsada na maaring daanan ng convoy ng Sri Lankan president para sa kaniyang mga aktibidad ay ang mga kalsada sa Makati Business District, Pasig Commercial District, Maynila at Quezon City.

Sinabi ni Nebrija na kapag daraan na ang convoy, magkakaroon ng full stop at agad din namang madaraanin ang mga motorista sa sandaling makalagpas na ang convoy.

Kabilang sa mga pupuntahan ng presidente ng Sri Lanka ay Asian Development Bank at ang Rice Research Institute sa Los Baños, Laguna.

Read more...