Sto. Niño de Tondo Parish, itatalaga bilang ‘Archdiocesan Shrine’

Courtesy of Rhommel Balasbas

Ilang araw bago ang Kapistahan ng Sto. Niño, inanunsyo ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang nakatakdang pagtatalaga sa Sto. Niño Parish sa Tondo bilang isang ‘archdiocesan shrine.

Sa inaprubahang dekreto ng Cardinal, ang elevation ng parokya sa pagiging dambana ay nagmula sa petisyon na pinangunahan ni Fr. Estelito Villegas.

Iginiit ni Tagle na ang titulo ng pagiging ‘dambana’ ay may kaakibat ng pakikiisa sa pagkakakilanlan ni Hesus at sa misyong sa palaganapin ang Mabuting Balita.

Pormal na itatalaga ang parokya bilang isang archdiocesan Shrine sa Pebrero 5.

Bukod sa Cebu, ang Sto. Niño de Tondo ay dinarayo rin ng milyong deboto lalo na tuwing ikatlong linggo ng Enero na Pista ng batang Hesus.

Read more...