Sri Lankan President Sirisena nasa bansa na para sa 5 araw na state visit

Dumating na sa bansa ang pangulo ng Sri Lanka na si President Maithripala Sirisena para sa kanyang limang araw na state visit.

Lumapag ang sinasakyang eroplano ni Sirisena sa Ninoy Aquino International Airport bandang alas-10:15 Martes ng gabi.

Miyerkules ng hapon ay nakatakdang pangunahan ng Sri Lankan president ang isang wreath-laying ceremony sa Rizal Park.

Kasunod nito ay pormal na pauunlakan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sirisena sa Malacañang kung saan sila ay magkakaroon ng bilateral meeting.

Ayon sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA), bukod sa mga pulong sa pangulo, bibisitahin din ni Sirisena ang Asian Development Bank sa Pasig City at ang International Rice Research Institute sa Los Baños, Laguna.

Si Sirisena ang kauna-unahang pangulo ng Sri Lanka na nakabisita sa bansa sa ilalim ng ilalim ng 1978 Constitution ng naturang bansa.

Read more...