Dahil sa mataas na buwis sa langis ay nagpatupad ng taas-presyo ang ilang brands ng LPG.
Umabot sa P1.12 ang dagdag sa kada kilo o P12 sa kada 11-kilogram cylinder ng LPG ang ipinatupad ng Fiesta, Petron at Solane.
Habang bukas, Huwebes ay magpapatupad din ng kaparehong taas-presyo ang Regasco.
Ayon kay LPGMA partylist Rep. Arnel Ty, ang dagdag-presyo ay dahil sa ubos na ang mga lumang suplay at kailangan nang ipatupad ng importers ang dagdag-buwis.
Sinabi naman ng Department of Energy na wala silang natanggap na abiso tungkol sa ipinatutupad na dagdag-presyo.
Samantala, sinabi ni TY na dahil sa pagtaas sa presyo sa world market ay asahan nang may dagdag-presyo pang magaganap sa LPG sa Pebrero.
Posible anyang umabot sa P1 hanggang P2 ang itataas sa presyo o P11 hanggang P22 sa kada 11-kilogram cylinder. (END/RVB)