Local officials na nagpapabaya sa pagdumi ng Manila Bay, kakasuhan ng gobyerno

Sasampahan ng kasong administratibo at kriminal ang lokal na opisyal na nagpabaya sa tungkulin sa tamang waste disposal at waste management sa kanilang lugar na nagresulta sa polusyon sa Manila Bay.

Babala ito nina Environment Secretary Roy Cimatu at Interior Secretary Eduardo Año bago ang nakatakdang rehabilitasyon ng Manila Bay sa January 27 kung saan gagastos ang gobyerno ng P47 bilyon.

Iginiit ni Cimatu na ang lokal na opisyal ang dapat na nagpapatupad ng environmental laws.

Pero sa kabila anya ng naturang mandato ay hindi masyadong natutukan ang programa para sa mga estero.

Malinaw anya na may kapabayaan dahil hindi sana dumating sa punto na kailangang linisin ang Manila Bay.

Sinabi naman ni Año na magkakaroon ng Inspection and Investigation Committee na mag-iimbestiga sa pananagutan ng local government unit (LGU) sa pagkakalat sa Manila Bay.

Read more...