Bukod dito ay pinag-ingat din ang mga state-run companies na protektahan ang kanilang mga gamit kung kailangang bumiyahe sa naturang mga bansa.
Ayon sa State-Owned Assets Supervision and Administration, ang ahensyang nagbabantay sa 100 government-run companies, ang mga kumpanya na ang mga empleyado ay bibiyahe sa Amerika ay dapat na mga laptop na ipinagagamit lamang ng kumpanya ang kanilang dalhin.
Kasama sa travel advice ng China ang babala sa pagbiyahe sa Britanya, Canada, Australia at New Zealand.
Nag-ugat ang tensyon sa pagitan ng China at US sa pag-aresto sa top executive ng Chinese technology giant Huawei sa Canada sa hiling ng mga otoridad ng Amerika.
Nagbabala ang China ng hindi magandang resulta liban na lang kung palalayain si Meng Wanzhou, chief financial officer at tagapag-mana ng Huawei.