Satisfaction ratings nina Robredo at Arroyo bumaba – SWS

Parehong bumaba ang satisfaction ratings nina Vice President Leni Robredo at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa huling kwarter ng 2018.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey, naging “moderate” mula “good” ang ratings ni Robredo dahil sa pagbaba ng 7 puntos sa +27 noong December 2018 mula sa +34 noong September 2018.

Habang ang net satisfaction ratings ni Arroyo ay naging “poor” mula “neutral” dahil sa pagbaba sa +27 noong Disyembre mula +55 noong Sityembre.

Samantala, ang overall net satisfaction rating ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ay “moderate” sa +11 points.

Ginawa ang survey mula December 16 hanggang 19, 2018 kung saan tinanong ang 1,400 respondents sa lebel ng kanilang kasiyahan o hindi sa trabaho ng mga lider ng gobyerno.

Read more...