OSG, ipinababasura sa SC ang petisyong kanselahin ang martial law extension

Ipinababasura ng Solicitor General sa Korte Suprema ang petisyon laban sa muling pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Sa 50 pahinang komento, sinabi ng OSG na patuloy ang rebelyon sa Mindanao at ang Kongreso lamang ang may kapangyarihan na tukuyin kung kailangan o hindi ang martial law extension sa rehiyon.

Nakasaad sa petisyon, sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman, na walang sapat na basehan para muling palawigin ang batas military.

Ito na ang pangatlong beses na pinalawig ang martial law sa Mindanao mula nang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 216 noong May 2017 na naglagay sa buong rehiyon sa batas militar at sinuspinde ang privilege of the writ of habeas corpus bunsod ng gulo sa Marawi City.

Ikinatwiran ng OSG ang iba’t ibang karahasan na binanggit ng Pangulo sa kanyang liham sa Kongreso noong December 2018.

Kabilang dito ang pagpapasabog sa Basilan at Sultan Kudarat na ikinamatay ng 16 katao at pagkasugat ng 63 iba pa.

Gayundin ang presenysa ng mga terror groups gaya ng Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Liberation Front at Daulah Islamiyah.

Read more...