Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, tuloy ang pag-iikot ng task force sa iba’t ibang bahagi ng bansa para turuan ang mga mamahayag na maging alerto sa banta ng anumang panganib.
May ipinamimigay aniya ang task force nna handbook para sa Personal Security Measures for Media Practitioners.
Sinabi ni Andanar na mahalagang ma-review ng mga mamamahayag ang naturang handbook dahil ipinaaalala dito ang mga dapat at hindi dapat na gawin ng mga mamamahayag para maprotektahan sila at ang kanilang pamilya mula sa kapahamakan
Matatandaan na sa huling report ng media freedom organization na Reporters Without Borders o RSF, inalis na ang Pilipinas sa top 5 most dangerous countries para sa mga mamamahayag habang nananatili sa unang puwesto ang Afghanistan, kasunod ang Syria, Medxico, India at ang America.