Sen. Trillanes naghain ng not guilty plea sa kinakaharap na kasong libelo sa Davao court

INQUIRER.net file Photo | Daphne Galvez

Naghain ng not guilty plea sa korte si Senator Antonio Trillanes IV sa kinakaharap na kasong libelo sa Davao City Regional Trial Court (RTC).

Humarap sa korte si Trillanes para sa arraignment sa apat na bilang ng kasong libelo na isinampa laban sa kaniya ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw na na si Atty. Manases Carpio.

Nanindigan si Trillanes na bahagi lamang ng harrassment ang naturang kaso na isinampa laban sa kaniya.

Ayon naman sa senador, hindi siya papa-distract sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.

Ang kaso ay kaugnay sa mga pahayag noon ni Trillanes laban kina Duterte at Carpio na tumanggap sila ng suhol mula sa Uber at iba pang ride-hailing firms.

Read more...