9 arestado matapos mahulihan ng shabu at baril sa Davao City

Arestado ang siyam na katao makaraang mahulihan ng mga hinihinalang shabu at baril sa Maharlika Highway, Bunawan, Davao City.

Sakay ng pick-up at SUV ang mga suspek na naharang sa checkpoint ng mga otoridad, Lunes ng gabi.

Kabilang sa naaresto ang suspek na si Loueje Roxas at dinakip din ang walo pang kasama nito.

Aabot sa P600,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa mga suspek.

Nakuhanan din sila ng apat na baril na mayroong mga bala.

Ayon sa imbestigasyon ng Davao Citiy Criminal Investigation and Detection Group dadalhin sana ng grupo ang mga ilegal na droga sa Santo Tomas sa DAvao Del Norte.

Read more...