Papel ng media, isa sa mga rason sa mataas na rating ni Duterte – Andanar

Naniniwala si Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na ang mahalagang papel na ginagampanan ng media ang dahilan kung kaya mataas pa rin ang ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Andanar, malaki ang pasasalamat ng Palasyo sa pagbabalita ng media sa mga accomplishment at mga programa ng pangulo at ng kanyang administrasyon.

Matatandaan sa mga pinakabahong survey, tumaas ang approval, satisfaction at trust rating ni Pangulong Duterte.

Sinabi pa ni Andanar na malaking tulong din ang government media gaya halimbawa ng Philippine Information Agency (PIA), Philippine News Agency (PNA), People’s Television (PTV4) at ang Radyo Pilipinas para maipaabot sa publiko ang mga programa ng pamahalaan.

Read more...