Tiwala ng mga Pinoy sa China, mababago pa – Panelo

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na mababago pa ang pananaw ng mga Filipino at mapagkakatiwalaan din balang-araw ang China.

Pahayag ito ng Palasyo sa panibagong survey ng Pulse Asia na ang Amerika pa rin ang pinagkakatiwalaan ng mga Filipino kaysa sa China at Russia.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, naiintindihan ito ng Palasyo daghil ngayon pa lamang nagkakaroon ng magandang relasyon ang dalawang bansa.

Gugol aniya ng panahon bago mabago ang paniniwala ng mga Filipino.

Kapag aniya nakita ng mga Filipino kung paano irespeto ng China ang mga agreement o kasunduan ng dalawang bansa, maaring mabago ang pananaw ng mga Filipino.

“But siguro (maybe) as we go along at nakita na ‘yung (and see the) sincerity ng (of) China with respect to agreements between two countries, baka mabago ang kanilang pananaw,” ani Panelo.

Read more...