P24M halaga ng shabu, nasabat sa Cebu

Arestado ang isang umanong tulak ng droga na may dalang P24 milyong halaga ng shabu sa Cebu City.

Ayon kay Chief Insp. Regino Maramag, chief of police ng Pardo Police Precinct na nagsagawa ng raid, naaresto ang suspek na si Alfred Gabunia.

Isinagawa aniya ang operasyon sa Bato Carbon sa Barangay Ermita, Lunes ng gabi.

Nakuha kay Gabunia ang ilang packs ng hinihinalang shabu na nasa 3.6 kilos at nagkakahalaga ng P24.4 milyon.

Read more...