Palasyo, hindi nababahala sa pag-takeover ng 2 Chinese firm sa Hanjin Shipyard sa Subic

Ipinagkibit-balikat lamang ng Palasyo ng Malakanyang ang posibleng pag-takeover ng dalawang kumpanya mula sa China sa Hanjin Shipyard ng Korea sa Subic, Zambales.

Pahayag ito ng Palasyo sa kabila ng pangamba ni dating Philippine Navy chief Alexander Pama na magkakaroon ng national security issue ang posibleng pag-takeover ng Xhinese firm at posibleng maglagay ang China ng naval at maritime assets sa Subic.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, wala pang kumpirmasyon at espekulasyon lamang ang paglutang ng dalawang Chinese firm sa pagkuha sa Shipyard.

“Eh hindi naman speculation pa lang naman na they will takeover. When a company declares bankruptcy, o di sino ba magkakainteres na kukunin yun,” pahayag ni Panelo

Katwiran pa ni Panelo, wala namang problema kung Chinese firms ang makakukuha sa Shipyard lalo’t kung dati nang kakilala ng pamahalaan ang Chinese firm.

Iginiit pa ni Panelo na bukod sa dalawang Chinese firm, may isang kumpanya mula sa Pilipinas ang nagkaka-interes na i-takeover ang Hanjin Shipyard.

Read more...