Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Sorsogon, Lunes ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 16 kilometers Southwest ng Donsol dakong 2:39 ng hapon.
May lalim itong 7 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang naitalang pinsala sa mga ari-arian sa lalawigan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES