Ilang estudyante ng UP at PUP pinupwersa pa ring sumapi sa NPA

Sumukong NPA member

Ilang estudyante ng University of the Philippines (UP) at Polytechnic Universitiy of the Philippines (PUP) ang pinupwersa pa rin ng New People’s Army na sumali sa kanilang samahan.

Ayon kay CALABARZON Police Regional Director Edward Carranza, sa pagsuko ng 20 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Laguna, ibinunyag ng mga ito na may mga estudyante ang bumibisita 2 hanggang 3 beses kada linggo ilang sitio sa Barangay San Antonio.

Ang mga sumukong Dumagat na miyembro ng NPA aniya ang nagbunyag hinggil sa pamumundok ng mga estudyante na kalaunan ay hindi na pinabababa dahil sinasabihan sila na tatargetin sila ng mga sundalo at pulis.

Pinatotohanan naman ito ng isa sa mga Dumagat na naging miyembro ng NPA at sumuko sa PNP.

Ayon kay “Ka Ruben”, ang mga estudyante ay nakikipamuhay sa kanila sa kabundukan at tinatanong-tanong sila hinggil sa kanilang mga aktibidad.

Kadalasan ani “Ka Ruben” dalawa hanggang walong ang miyembro ng bawat estudyante na nagtutungo sa kabundukan at doon nagpapalipas ng gabi.

Dagdag pa ni Ka Ruben, may mga estudyante na namumundok na pinupwersa ng mga miyembro ng NPA para makisapi na sa kanila.

Dinadaan aniya sa dahas ang mga ito upang matakot at hindi na umalis sa grupo.

At dahil sa takot ay napipilitan na aniya ang ilang estudyante na tumanggi at sasapi na lamang sa NPA.

Read more...