Criminology graduate arestado sa drug operation sa Cebu City

CDN Photo

Arestado sa anti-illegal drug operation ang isang Criminology graduate sa Barangay Kamputhaw, Cebu City.

Alas 3:00 ng madaling araw ng Lunes nang isagawa ang buy bust operation sa pangunguna ng Cebu City Police Office Drug Enforcement Unit at nahuli ang suspek na si John Paul Sentillas, 32 anyos na residente ng Sitio Riverside ng naturang barangay.

Nakuhana ni Senillas ng 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Ayon kay Chief Insp. Chuck Barandog ng Cebu City police, natuklasan nila ang operasyon ni Sentillas sa isang Facebook page na “Itug-an ni CD” kung saan ginagawa ang mga transaksyon.

Ilang beses na naaresto si Sentillas dahil sa illegal drug possession at ngayon lamang ito naaresto dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Read more...