Ang bagyong Infa ay nasa labas pa ng bansa at huling namataan sa layong halos 3,000 kilometers East ng Mindanao.
Ayon PAGASA Forecaster Shelly Ignacio, masyado pang malayo ang nasabing bagyo para matukoy ang eksaktong araw ng pagpasok nito sa bansa.
Pero nasa 60% aniya ang tsansa na ito ay papasok sa Philippine Area of Responsibility.
Maari pa ring lumakas ang Tropical Storm Infa bilang isang Typhoon.
Sa sandaling makapasok sa PAR, ay papangalanan itong ‘Marilyn’.
MOST READ
LATEST STORIES