Video: Mga Anti-APEC rallyists, nagpalipas na ng gabi sa Liwasang Bonifacio


 

Sa Liwasang Bonifacio sa Maynila na nagpalipas ng gabi ang ilang mga Anti-APEC rallyists.

Maaga pa lamang naghanda na ang nasa 300 miyembro ng Anakbayan at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas para sa gagawin nilang Anti-APEC rallies ngayong araw.

Sa bahagi naman ng Sta. Cruz sa Maynila patuloy ang stand-off sa pagitan ng mga anti-riot police at mga railiyista.

Ang nasabing mga militanteng grupo ay nauna nang nagtangkang makapagmartsa patungo sa Roxas Boulevard kahapon pero sa bahagi pa lamang ng Lawton ay naharang na sila ng mga pulis.

Ayon sa grupo, muli nilang tatangkain na magtungo sa Roxas Boulevard ngayong araw para ihayag ang kanilang protesta.

Read more...