#WALANGPASOK: Jan. 16 special non-working day sa Batangas City dahil sa kapistahan

Idineklarang special-non working day ang January 16, araw ng Miyerkules sa Batangas City para sa kapistahan sa lungsod.

Sa nilagdaang proclamation number 647 ni Exec. Sec. Salvador Medialdea, ang naturang petsa ay paggunita din sa Tourism at Cultural Day sa Batangas City.

Upang mabigyang pagkakataon ang mga residente na makilahok sa mga aktibidad, idineklarang walang pasok o non-working day ang nasabing petsa.

Sakop ng deklarasyon ang lahat ng paaralana t mga government office at private companies sa lungsod.

Read more...