Pag-iisyu travel advisories ng mga tourism leader dapat na maging specific ayon kay Sec. Andanar

Hinimok ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang mga tourism leader na maging specific sa pagtukoy sa mga lugar na nababalot ng ibat ibang isyu.

Ito ay para hindi maapektuhan ang turismo sa bansa.

Inatasan din ni Andanar ang bagong tatag na Office for Global Media Affairs para isulong ang mas patas na travel advisories.

Iginiit ni Andanar na kapag hindi direktang natukoy ang isang lugar na mayroong security issues, nadadamay ang ekonomiya at turismo ng lalawigan o rehiyon kung saan ito napapabilang dahil sa hindi specified na travel advisory.

Ayon kay Andanar, isa sa mga pangunahing tungkulin ng Global Media Affairs ang makatulong sa mas maayos na tourism relations sa pagitan ng Pilipinas at ng iba’t ibang mga bansa.

Iginiit ni Andanar na ang maayos na relasyon ng PCOO sa mga information ministries sa ASEAN, Japan, China, Australia at US ang daan para maging mas maayos ang relasyon ng bansa sa kanila.

Samantala, nakatakdang magtungo sa Bangkok Thailand si Andanar para lagdaan ang bilateral Memorandum of Understanding sa Ministry of Information kaugnay sa journalism education exchange.

Ito ang programa ng PCOO na pagkakaroon ng educational exchanges sa pagitan ng mga mamamahayag ng Pilipinas at Thailand.

Read more...