Dating pulis patay sa pananaksak sa Maynila

Patay ang isang dating pulis matapos itong pagsasaksakin ng hindi nakilalang suspek sa Tondo, Maynila.

Nangyari ang insidente, Lunes (Jan. 14) ng madaling araw sa Road. 10, Barangay Vitas, sa Tondo.

Natagpuan na lang ang bitkimang si Jose Igig sa isang eskinita na may tama ng mga saksak sa katawan.

Isinugod pa ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Bagaman napapalibutan ng bahay ang lugar walang residente ang nagbigay ng pahayag hinggil sa nangyari.

Si Igig ay dating pulis na nakatalaga sa Quezon City, pero nasibak noong 2010 dahil sa kasong grave misconduct.

Read more...