Problema sa passport data nangyari sa panahon ng administrasyong Aquino at Arroyo – Locsin

Lahat ng naging problema sa passport data ay nangyari noong panahon ng administrasyong Aquino at Arroyo.

Ito ang tugon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teddy Boy Locsin Jr., sa mga nananawagang papanagutin din sa isyu ang mga mapapatunayang sangkot na malapit kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Locsin, walang kinalaman sa usapin si Pangulong Duterte, at ang sangkot lang sa isyu ay ang mga dating opisyal ng DFA, PCOO sa ilalim ng dalawang nagdaang administrasyon.

Nagtataka din si Locsin kung bakit tila nagpa-panic na ang mga dating foreign affairs secretary.

Pinayapa naman ni Locsin ang publiko at sinabing maaring wala namang naganap na data breach.

Gayunman, hindi ma-access ng DFA ang mga impormasyon na maari aniyang corrupted na sa ngayon.

Read more...