Naging mapayapa ang unang 24-oras na pagpapatupad ng Comelec checkpoint as buong bansa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr., sa unang araw ay mayroong 4,447 na checkpoints sa buong Pilipinas.
Sinabi ni Durana, umabot sa 25 katao ang naaresto sa unang 24-oras ng pagpapatupad ng Comelec checkpoint, 27 na armas ang nakumpiska, 168 na mga bala, 7 bladed weapons, at 22 firearms replica.
Mayroon namang tatlong nasawi matapos manlaban nang sila ay harangin sa checkpoints.
Patuloy naman ang apela ng PNP sa publiko na makipag-cooperate sa mga otoridad na nagpapatupad ng checkpoint.
MOST READ
LATEST STORIES