Van nahulog sa gilid ng Mt. Pulag sa Benguet, driver sugatan

Nahulog sa gilid ng Mt. Pulag sa Benguet ang isang van habang binabagtas ang Bokod-Kabayan Road.

Nawalan umano ng preno ang van at lumihis mula sa kalsada hanggang sa magtuluy-tuloy nang mahulog sa gilid ng Mt. Pulag.

Ayon kay FO2 Jason Banda-ay ng Bokod Bureau of Fire Protection, sakay ng van ang mga lokal na turista at pababa na sana mula sa Ranger Station ng Mt. Pulag.

Pero nang maramdaman ng driver na nagluluko na ang preno ng sasakyan ay nagawa pa niyang pababain ang mga pasahero.

Nagtamo ng sugat sa ulo ang driver na ngayon ay nagpapagaling na sa Baguio General Hospital.

Read more...