Motorcycle rider arestado sa checkpoint sa QC

Arestado ang isang motorcycle rider matapos maharang sa isang checkpoint sa Quezon City.

Pinara ng mga otoridad ang motorsiklo sa bahagi ng Brgy. Gulod sa Novaliches, dahil walang helmet ang driver nito.

Nang busisiin na ang motorsiklo ay nakitang may dalang kalibre 45 na baril ang suspek at anim na bala para dito.

Dahil dito sasampahan ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang naturang suspek.

Read more...