Kasabay ng pagdaraos ng misa para sa pagbibinyag kay Hesukristo, pinangunahan ni Pope Francis ang pagbibinyag sa 27 mga sanggol.
Sa kaniyang homily, hinikayat ni Pope Francis ang mga magulang na palaguin ang pananampalataya ng kanilang anak.
Sinabi ng Santo Papa na ang pananampalataya ay natututunan at lumalago kung gagampanan ng mga magulang ang kanilang parental duty.
Ayon kay Pope Francis bago pa man mag-aral ng katekismo ang mga bata sa mga paaralan, ang mga magulang muna ang dapat na magturo nito sa bahay.
Kasabay nito, hinikayat din ng Santo Papa ang mga magulang na huwag mag-aaway sa harap ng kanilang anak.
Bagaman normal aniya ang pagtatalo o hindi pagkakaunawaan sa mga bagay-bagay, sinabi ni Pope Francis na hindi dapat naririnig o nakikita ng mga bata ang pag-aaway ng kanilang ama at ina.