Binawi ng Philippine National Police (PNP) ang 457 security escorts na nakatalaga sa Very Important Persons (VIPs) na kinabibilangan ng mga sibilyan at opisyal ng gobyerno.
Ito ay kaugnay pa rin ng pag-arangkada ng election period simula kahapon.
Sa accounting ng personnel araw ng Linggo, sa 457 police escorts na tinanggalan ng VIP assignments ay 224 ang mula sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay PNP – Police Security and Protection Group (PSPG) director Chief Supt. Filmore Escobal, lahat ng security escorts ay ini-recall maliban lamang sa 10 VIPs alinsunod sa Comelec Resolution 10446 o Guidelines on Poll Ban Exemption.
Ang 10 personalidad ay kinabibilangan ng Pangulo, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, DILG Secretary, DND Secretary, Comelec Chairman and Commssioner, AFP Chief of Staff at Service Commander at PNP Director General.
Maari namang hindi bawian ng security escorts ang mga Senador basta’t pormal na hihingi ng pahintulot mula sa Comelec.