NCRPO: Walang election hotspots sa Metro Manila

Contributed photo

Walang itinuturing na election hotpots sa Metro Manila sa kasalukuyan ayon sa National Capital Region Police Office.

Ang election hotpots ay ang mga lugar na nagkaroon ng kasaysayan ng karahasan dahil sa away-pulitika at may presensya ng armadong mga grupo.

Sa pag-arangkada ng election period kahapon, aminado naman si NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar na inaasahang magiging matindi ang labanan sa pulitika sa ilang lugar sa NCR.

Dahil dito, inatasan ng PNP official ang limang district directors na bantayang maiigi ang mga lugar na nagkaroon ng election-related violence sa nakalipas.

Payo ni Eleazar, kumilos agad bago pa magkaroon ng karahasan sa pagitan ng mga tagasuporta ng ilang mga kandidato.

Nagsimula nang maglatag ng checkpoints ang NCRPO kahapon upang makakumpiska ng mga ipinagbabawal na kagamitan tulad ng baril at mga pampasabog.

Read more...