Lalaki patay sa pamamaril sa Cebu City

CDN Photo

Patay sa pamamaril ng riding-in-tandem ang isang lalaki malapit sa Barangay Pahina Central, Cebu City, Linggo ng gabi.

Ayon kay Cebu City police officer PO3 Joel Perolino, sakay lamang ng kanyang electric bike (e-bike) ang biktimang si Jerry Lito Lauza, 47 anyos, nang barilin ito sa kaliwang bahagi ng ulo ng hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon kay Perolino, posibleng sinasabayan ng riding-in-tandem ang biktima habang binabaybay ang Magallanes Street at dito na siya binaril ng backrider.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Sa panayam naman sa anak ng biktima, sinabi nitong wala siyang kilala na nakasamaang loob ng kanyang ama upang maging dahilan para ito ay patayin.

Read more...