Taxi at TNVS drivers arestado dahil sa iligal na droga

Timbog ang isang taxi driver at isa pang TNVS driver sa magkahiwalay na operasyon ng pulis sa Makati at Mandaluyong.

Unang nagkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit ng Mandaluyong police sa 46 anyos na TNVS driver na kabilang sa drug watchlist.

Nakuha mula rito ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Naaktuhan namang gumagamit ng bawal na gamot sa loob mismo ng kanyang taxi ang isang driver sa Makati.

Nagpapatrolya lamang ang mga operatiba ng Makati police nang eksaktong makita ang suspek na gumagamit ng iligal na droga.

Nasabat mula rito ang isang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...