June Mar Fajardo, itinanghal bilang kauna-unahang 5-time PBA MVP

Inquirer.net photo

Nasungkit na naman ni June Mar Fajardo ang Most Valuable Player title sa PBA Leo Awards.

Dahil dito, si Fajardo na ang kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan ng PBA na five-time MVP.

Naungusan ng San Miguel center ang mga beteranong manlalaro na sina Ramon Fernandez ar Alvin Patrimonio.

Maliban sa bagong record, kabilang din si Fajardo sa All-Defensive Team kasama sina Chris Ross, Rome dela Rosa, Rafi Reavis at Gabe Norwood, at First Mythical Team kasama naman sina Stanley Pringle, Paul Lee, Marcio Lassiter at Japeth Aguilar.

Sa ngayon, mayroon na ring pitong Best Player of the Conference awards si Fajardo.

Isinagawa ang seremonya ng Leo Awards sa opening ceremonies ng 2019 PBA season sa Philippine Arena.

Inalay naman ni Fajardo ang bagong achievement sa kaniyang pamilya.

Read more...