Sa isang panayam, sinabi ni PNP spokesman, Chief Supt. Benigno Durana na magsasagawa lamang ng visual search ang mga pulis sa mga checkpoint.
Hindi aniya maaaring kapkapan ng mga pulis ang drayber o pasahero.
Hindi rin kailangang lumabas ng sasakyan o buksan ang truck at compartment.
Magsasagawa lang aniya ng physical inspection sakaling madiskubre ng mga pulis ang anumang kontrabando sa loob ng sasakyan.
Sinumang mahulihan ng mga pampasabog, armas, matatalim na bahay at ilegal na droga sa mga checkpoint ay isasailalim sa imbestigasyon at posible ring maaresto.
Umarangkada ang national checkpoint operations para sa pagsisimula ng election period sa May 2019 elections.