Phoenix Suns, wagi vs Denver Nuggets sa iskor na 102-93

AP photo

Nagwagi ang Phoenix Suns kontra sa Denver Nuggets sa iskor na 102-93, Sabado ng gabi (oras sa Amerika).

Pinangunahan ni Kelly Oubre Jr. ang basketball match matapos makapagtala ng 26 points at 11 rebounds.

Nakapag-ambag din si Deandre Ayton ng 23 points at 13 rebounds para sa koponan ng Suns.

Sa panig naman ng Denver, umarangkada sina Nikola Jokic sa iskor na 21 points ar 10 rebounds habang si Malik Beasley naman ay mayroong 20 points.

Sa first quarter pa lang ng laro, tinambakan na ng Phoenix ang Denver. Pitong puntos ang pinakamababang lamang na naabot ng Denver sa Phoenix sa fourth quarter ng laro.

Hindi napantayan ng Nuggets ang Golden State Warriors para sa best record sa Western Conference ng NBA.

Read more...