LOOK: Arci Muñoz ipinagdiwang ang ika-30 kaarawan sa Florida, USA

Photograb from Arci Muñoz’s Instagram account

Nanatiling kid at heart ang Kapamilya actress na si Arci Muñoz sa pagdiriwang ng kaniyang ika-30 kaarawan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Arci ang kaniyang larawan suot ang Cheshire Cat face mask at “Alice in Wonderland” dress.

Makikita pa sa Instagram stories at posts na kasamang nagdiwang ni Arci ang kaniyang boyfriend na isang Chinese businessman na si Anthony Ng at ilang malalapit na kaibigan sa Epcot theme park sa loob ng Walt Disney World Resort, FLorida, USA.

Nagpasalamat naman ang 30-year old singer sa mga biyaya at birthday greetings na natatanggap.

Sa ngayon, tuloy ang bakasyon nina Arci at Anthony sa Miami Beach, Villa Casa Casuarina at Versace Mansion.

Read more...