Unity walk at inter-faith rally para mapayapang 2019 elections, isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa

 

Isinagawa ang unity walk, inter-faith prayer rally at peace covenant signing sa iba’t ibang lugar sa bansa ngayong araw (January 13).

Ito ay para sa mapayapang pagdaraos ng May 2019 midterm elections.

Sa Quezon City, humigit-kumulang anim na libong katao ang sumama sa pagtitipong ginanap sa Quezon City Memorial Circle.

Present sa aktibidad ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, NCRPO, at Commission on Elections o Comelec.

Dumalo rin ang iba’t ibang grupo at supporters ng mga kandidato sa local at national positions.

Nag-alay ng dasal ang religious leaders, at sabay-sabay na nanumpa ang lahat ng mga nagtipon-tipon para sa integrity pledge, o para sa maayos, mapayapa, tapat at kapani-paniwalang halalan.

Kaugnay nito, mayroon ding kahalintulad na aktibidad sa Baguio City, na dinaluhan ng mga kandidato roon, mga kinatawan ng Comelec, DILG, NAPOLCOM at religious representatives at iba pa.

Ang iba pang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao ay may kani-kanilang unity walk, inter-faith rally at peace covenant signing din.

Read more...