Dalawang taon hanggang labing apat na taong pagkakakulong ang ipinataw na parusa kay Rev. David Poulson, 65-anyos at nagsilbing pari sa loob ng apat na dekada sa Diocese of Erie.
Noong October 2018 ay naghain na siya ng guilty plea makaraang aminin na inabuso niya “sexually” ang dalawang batang lalaki, na may edad 8-anyos at 15-anyos noong 2000s.
Ayon sa Jefferson County court, ginamit ni Poulson ang posisyon niya bilang “a man of the cloth” upang makapang-biktima ng mga bata.
Humingi naman ng tawad si Poulson sa kanyang mga nagawa na tinawag niyang “criminal and sinful.”
MOST READ
LATEST STORIES