Bongga ang 18th birthday celebration ng kambal nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy.
May mga litratong lumabas na sa social media kaugnay sa birthday party ng fraternal twins.
Ginanap ang party sa isang hotel kagabi (January 12), kung saan present ang mga kaanak at kaibigan ng isa sa itinuturing na showbiz royalty sa Pilipinas.
Si Mavy, looking dapper sa kanyang porma habang ang kapatid nitong si Cassy, “classy” sa suot nitong gold na gown.
Noon pang January 6, 2019 ang 18th birthday nina Mavy at Cassy, na ngayon ay kabi-kabila na rin ang endorsements at showbiz stints.
Nauna nang sinabi ng kambal na bagama’t busy sila sa showbiz ay prayoridad pa rin nila ang kanilang pag-aaral.
MOST READ
LATEST STORIES