Hiniling ni Chinese President Xi Jinping sa iba pang mga Asian economies na magkaisa na suportahan ang isinusulong nitong free trade agreement upang maiwasang magkawatak-watak ang mga polisiyang may kinalaman dito sa hinaharap.
Ang China at Amerika ay kapwa may sariling bersyon ng kanilang free trade agreement sa kaslaukuyan.
Sa pahayag ni President Xi sa kasagsagan ng APEC summit, ipinaliwanag nito na sa kasalukuyan, maraming mga free trade arrangements na lumulutang na poaibleng pagmulan ng kalituhan .
Ito aniya ang dahilan kaya’t dapat madaliin ang pagpapairal ng Free Trade Area of the Asia-Pacific o FTAAP upang mapabilis ang pagsusulong ng regional economic integration.
Noong nakaraang taon, labindalawang bansa sa Asya Pasipiko ang nagkasundo na isulong ang Trans-Pacific Partnership o TPP na pinangunahan ng Amerika kung saan hindi kasama ang China.
Dahil dito, bumuo ng sariling kasunduan ang China, na tinatawag na FTAAP o ang Free Trade Area of the Asia Pacific.