Dalawa naman ang nasugatan mula sa RPSB at isa sa CSG ng Bais City.
Ayon sa inisyal na report, humingi ng tulong ang station manager ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Mabinay sa RPSB-7 sa pamumuno ni Insp. Lowelyn Reyes para puntahan ang umano’y mga armadong kalalakihan na naroon.
Tinawagan rin ng pinuno ng CSG na tinukoy lamang sa pangalang Lasmarias ang Bais police para din humingi ng tulong.
Nagtagpo ang RPSB-7 at ang grupo ng CSG ng Bais sa Mabinay pasado alas dos ng hapon ng Miyerkules.
Napansin umano ng isang tauhan ng RPSB-7 na may naka-umbok sa may bewang ng taga CSG kaya hiniling nito na mainspeksyon ang nasabing CSG personnel.
Ngunit, bigla na lamang umanong pinaputukan ng isa sa mga kasapi ng CSG ang mga pulis RPSB-7 at nag-hudyat ng engkwentro.