2 lalaki na umiwas sa checkpoint sa Bulacan, patay

 

Patay ang dalawang lalaki na sinasabing umiwas sa isang checkpoint sa San Jose Del Monte City, Bulacan Linggo ng madaling araw (January 13).

Ito’y nagkataon sa unang araw ng pagpapairal ng election period para sa May 2019 midterm elections.

Ayon kay Police Supt. Orlando Castil, ang hepe ng San Jose Del Monte Police Station, sakay ng motorsiklo ang dalawang lalaki.

Tinakbuhan umano ng mga ito ang checkpoint kaya hinabol sila ng mga pulis.

Sinabi ni Castil na armado rin ang mga lalaki na unang nagpaputok sa mga pulis na kanilang naka-engkwentro.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga suspek, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

 

 

Read more...