Military at defense cooperation, gustong isulong ng Russia sa Pilipinas

 

Russian PM Dmitry Medvedev
Grig Montegrande/Inquirer

Humanga si Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa magandang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi ni Medvedev na gustong palawigin ng kanyang pamahalaan ang ugnayang pang ekonomiya ng dalawang bansa lalo na sa sektor ng enerhiya, imprastraktura, telecommunication at transportasyon.

Inimbitahan din ni Medvedev ang Pilipinas na makiisa sa Moscow Expo on Transportation sa susunod na taon.

Sa panig naman ni Pangulong Benigno Aquino, hinikayat nito ang Russia na paigtingin pa ang trade cooperation ng dalawang bansa sa isyu ng Information Technology-BPM, processed at specialty foods, energy and renewables, design driven products at aerospace.

Bukod sa ekonomiya, bilib din si Premiere Medvedev sa magandang klima ng Pilipinas.

Samantala, ipinarating din ni Pangulong Aquino ang pakikidalamhati kay Medvedev sa pagbagsak ng Metro Jet passenger plane nito sa Sinai, Egypt.

Read more...