Working permit ni Tony Labrusca ilalabas na anumang araw; trabaho bilang artista tuloy lang

Anumang araw ngayon ay ilalabas na ang working permit ng aktor na si Tony Labrusca.

Ito ang kinumpirma ni Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal sa panayam ng Inquirer Bandera.

Sinabi ni Endrinal na posibleng sa susunod na linggo ay maipagpapatuloy na ni Labrusca ang taping para sa bagong teleserye na ‘Mea Culpa’.

Naisumite na anya ang lahat ng kailangang papeles para sa working permit ng aktor.

Iginiit naman ng TV executive na hindi ABS-CBN ang umayos sa kaso ni Labrusca dahil may sariling abogado ang pamilya nito na nagsumite ng kinakailangang mga papeles.

Nauna nang humingi ng paumanhin ang aktor sa kanyang inasal laban sa immigration officials sa NAIA dahil sa isyu ng Balikbayan privilege.

Nadala lamang anya siya ng emosyon at tanggap niya anya ang pagkakamali.

Read more...