Mga basurang iligal na naipuslit sa bansa ibabalik na sa SoKor mula ngayong araw

Contributed photo

Sisimulan na ngayong araw ang pagbabalik sa South Korea ng tone-toneladang basura na iligal na naipuslit sa bansa.

Matatandaang noong Nobyembre, 1,200 tonelada ng basura mula sa South Korea ang naharang sa inspeksyon ng Bureau of Customs.

Kabilang sa laman ng mga basura ay syringe, diapers at iba pang hospital wastes.
Nakaselyo na at handa nang ibalik ang nasa 51 containers ng nasabing mga basura.
Ayon kay John Simon, port collector sa Mindanao International Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental, aabot sa 200 containers ng basura ang ibabalik sa South Korea.

Gayunman, 51 na containers pa lamang ang maibabalik dahil kailangan pang maibalot muli ang mga basura at ibabalik sa mga containers kung saan nanggaling ang mga ito.

Isang ceremonial re-exportation ng mga basura tungong Korea ang magaganap ngayong araw at dadaluhan ng mga opisyal mula sa Department of Natural Resources and Environment, BOC, local officials at environmental groups.

Read more...