1 patay, 2 arestado sa magkahiwalay na buy bust operation sa CamSur

File photo

Patay ang isang lalaki at arestado ang dalawang iba pa sa magkahiwalay na buy bust operation sa Naga City, araw ng Sabado.

Nagkasa ng operasyon ang Naga City police laban kay Roderick Alteza, 31 anyos sa Barangay Sabang.

Gayunman, nang makahalatang mga pulis ang mga katransakyon nagpaputok umano ito ng gamit ang kalibre .38 na baril.

Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng suspek.

Ayon sa mga pulis, nakumpiska nila ang hinihinalang sachet ng shabu mula kay Alteza.

Samantala, sa Barangay Calauag, timbog naman si Jude Lizano, 21 anyos matapos magbenta ng bawal na gamot sa undercover na pulis.

Nakuhaan ito ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Inaresto rin ang 21 anyos na asawa nitong kinilalang si Rommelyn.

Read more...